angeli khang
ANG Vivamax star na si Angeli Khang ang latest personality na kinasuhan ng isang grupo social media dahil umano aa “malaswang” video na kanyang ipinopost sa kanyang social media accounts. Batay sa ulat, ang aktres ay nahaharap sa anim na kasong kriminal dahil sa paglabag sa Article 201 ng Revised Penal code kaugnay ng Cyber Crime Prevention Act of 2012 na isinampa ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. o KSMBPI noong Oct. 10 sa Pasay City Prosecutors Office.
Ayon kay KSMBPI legal counsel Atty. Mark
Tolentino, makikita sa mga naka-post sa social media account ni Angeli ang ilang “explicit scenes” mula sa kanyang acting projects.
Ayon pa grupo, ang social media accounts ng aktres ay naka-public kung kaya tiyak
na madali itong mapanood ng publiko lalo na ng mga bata.
Matatandaang nauna ng kinasihan ng groupo si Vice Ganda at vlogget na si Toni Fowler.
Iginiit naman ni Tolentino na ang KSMBPI ay nagsisilbing “watchdog of the cyberspace of the Philippines” at sa kasalukuyan ay may tatlo pang celebrity ang nakatakda nilang kasuhan sa katulad nq paglabag.

SM MALLS HOST BTS ARMY CELEBRATIONS
LEA SALONGA CONFIRMS SEPARATION FROM HUSBAND ROBERT CHIEN
LAWMAKER URGES PUBLIC TO WATCH ‘I’MPERFECT’
LOINIE EXPECTING FIRST BABY
‘I’M PERFECT’ MAKES HISTORY AT MMFF 2025
POKWANG APOLOGIZES FOR BROTHER WHO SLAPPED MAN WITH CART IN ANTIPOLO
116 SUSPECTS, FUGITIVES IN CENTRAL LUZON CAPTURED IN MONTH-LONG CIDG RFU 3 OPERATIONS
ALLEGED SUBSTANDARD APPLIANCES SEIZED IN NUEVA ECIJA BUY-BUST
SM SAN PEDRO JOINS BRIGADA ESKWELA 2026