SINIGURO ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang supply ng pagkain sa holiday season.
Ayon kay DA Assistant Secretry Arnel de Mesa, “stable” ang produksyon ng karne, manok, bigas at gulay sa paparating na holiday.
Aniya, maliban sa lokal na produksyon ng bansa ay may parating ding mga import sa huling quarter ng taon upang matugunan ang mataas na demand sa pagkain sa holiday season.
Samantala, sa presyo ng gulay sa Divisoria, tumaas ang ilang paninda samantalang ang iba naman ay bumaba.
Ang kada kilo ng talong ay nasa P100, P25-30 kada kilo ang pechay, P100 bawat kilo ng sibuyas na pula habang P80 naman sa sibuyas na puti, P75 ang kamatis, P18 ang sayote, P130 ang patatas, P25-30 and repolyo habang P70 naman kada kilo ang carrots.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA