ISANG Chinese national na dinukot ng kanyang mga kapwa Tsino sa Pasay City ang nasagip nitong Biyernes sa Batangas City.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Liu Xin, 28-anyos, at residente ng Liaoyang City, Liaoning province, China.
Base sa ulat ng Batangas City Police, bandang alas -3 ng madaling araw nitong Biyernes ay nakitang naglalakad ang biktima sa Bgy. Ilijan, Batangas City.
Sa pahayag ng biktima sa pulisya, dinukot umano siya ng apat na kapwa Chinese dahil sa hindi pagbabayad ng P10 milyong utang.
Mula sa Pasay City ay sapilitan siyang isinakay sa isang sasakyan at dinala sa lugar na hindi niya alam kung saan saka siya iniwan ng mga ito.
Sa tatlong oras niyang paglalakad ay narating niya ang Bgy. Ilijan kaya naman humingi siya ng tulong sa mga taong nakakita sa kanya.
Tumanggi naman ang biktima na banggitin kung saang kompanya siya nagtatrabaho dito sa Pilipinas.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS