MULING umapela nitong Martes ang Pilipinas para sa pagpapalaya sa Pilipina na nasa death row sa Indonesia.
Ginawa ang panawagan ilang oras bagong dumating sa bansa si Indonesian President Joko Widodo para sa tatlong araw na opisyal na pagdalaw.
Ito ang pinakabagong pagtatangka na masagip ang buhay ng Pinay na si Mary Jane Veloso na inaresto sa Indonesia noong 2010 dahil sa pagdadala ng maleta na naglalaman ng 2.6 kilong heroin.
Dahil sa pangyayari ay nasentensiyahan ng kamatayan si Veloso sa Indonesia.
Nakalusot sa firing squad noong 2015 si Veloso makaraang maaresto ang babae na nag-recruit sa kanya sa Pilipinas.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa mga reporter matapos ang pakikipagpulong sa kanyang Indonesian counterpart na si Retno Marsudi sa Maynila na ginagawan nila ng paraan kung paanong mabibigyan ng clemency si Veloso.
Una nang si Manalo ng clemency para kay Veloso noong 2022.

PADRE PIO IN BATANGAS NOW AN INTERNATIONAL SHRINE
SENATE CONCLUDES FIRST REGULAR SESSION OF THE 20TH CONGRESS
GATCHALIAN ELECTED AS ACTING SENATE PRESIDENT
CHIZ ARRIVES AT THE PLENARY, COMPLETES REQUIRED QUORUM OF 12 SENATORS
HOUSE EXPELS CAVITE CONGRESSMAN KIKO BARZAGA
PROPOSED P240 IMMIGRATION FEE FOR TRAVELERS STILL UNDER STUDY – PALACE
116 SUSPECTS, FUGITIVES IN CENTRAL LUZON CAPTURED IN MONTH-LONG CIDG RFU 3 OPERATIONS
ALLEGED SUBSTANDARD APPLIANCES SEIZED IN NUEVA ECIJA BUY-BUST
SM SAN PEDRO JOINS BRIGADA ESKWELA 2026