NAKATAKDANG magsagawa ng nationwide protest sa araw ng Martes, Enero 16, ang transport group na Manibela laban sa public utility vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan.
Sa isang Facebook post, nilinaw ng grupo na protesta ang isasagawa at hindi strike kasama ang grupong Piston at iba pang sektor.
Sa Metro Manila, magtitipun-tipon ang grupo ganap na alas-9 ng umaga sa University of the Philippines-Diliman sa Quezon City, saka magma-martsa patungong España Maynila at magkikita-kita sa Mabuhay (Welcome) Rotonda saka uusad patungong Chino Roces Bridge (Mendiola) sa Maynila kung saan magsasagawa ng programa bilang protesta.
Nagpasalamat naman ang Manibela sa mga estudyanteng nagpahayag ng pagnanais na lumahok sa protesta para sa pananatili ng prangkisa ng mga PUV.
Ilang eskuwelahan umano ang nagpaskil ng announcements ng pag-shift sa online mode ng araw ng Martes bilang paghahanda sa public transport paralysis.
“Sama sama po nating ipanawagan at ipagtanggol ang ating mga prangkisa at kabuhayan. Sama sama nating katukin ang pintuan ng Malacañang at ang Pangulo! Triplehen natin ang dami nito,” anang post ng Manibela sa Facebook bago mag-alas 11 ng gabi ng araw ng Linggo.
Ang mga PUV na nabigong magpasailalim sa mga kooperatiba hanggang Disyembre 31, 2023 at yaong mga bumibiyahe ng walang kooperatiba ay maaari lamang umanong bumiyahe hanggang Enero 31.
Yaon umanong “unconsolidated jeepneys” sa mga rutang may 60 porsiyentong units na “consolidated” ay hindi na papayagang makapagrenew ng provisional authorities para makapag-opeate.
Nakatakda namang magbigay ng kaukulang tulong ang pamahalaan sa lahat ng tsuper ng “unconsolidated jeepneys at UV (utility vehicle) express” upang hanapan ang mga ito ng trabaho sa mga transport cooperatives at mga korporasyon kabilang na ang Office of Transportation Cooperatives (OTC), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nasa 145,721 units o 76 percent ng public utility vehicles at UV express ang nagpa-consolidate na.

CHIZ ARRIVES AT THE PLENARY, COMPLETES REQUIRED QUORUM OF 12 SENATORS
NANNY ARRESTED FOR ALLEGEDLY KILLING BABY, PUTTING BODY IN SAKO BAG IN QC
HOUSE EXPELS CAVITE CONGRESSMAN KIKO BARZAGA
JINGGOY ESTRADA SURRENDERS TO CIDG
P841-M FAKE PERFUMES, LOTIONS SEIZED IN VALENZUELA
SANDIGANBAYAN ORDERS ARREST OF JINGGOY ESTRADA, BONOAN
116 SUSPECTS, FUGITIVES IN CENTRAL LUZON CAPTURED IN MONTH-LONG CIDG RFU 3 OPERATIONS
ALLEGED SUBSTANDARD APPLIANCES SEIZED IN NUEVA ECIJA BUY-BUST
SM SAN PEDRO JOINS BRIGADA ESKWELA 2026