HINDI lamang ang may matataas na grado ang magiging iskolar sakaling muling mapagbigyang makapaglingkod sa taumbayan si Sol Aragones.
Si Aragones, dating kinatawan ng ikatlong distrito ng Laguna mula 2013 hanggang 2022, ay nagpahayag ng kanyang intensyong pagtakbo bilang gobernador ng lalawigan ng Laguna sa May 2025 midterm elections.
Ayon sa kanya, sakaling bigyan siyang muli ng pagkakataong makapagsilbi sa mga taga-Laguna bilang gobernador at manalo ang AKAY ni SOL Party-list kung saan siya ang presidente ay gagawin din niyang iskolar kahit ang mga estudyanteng palakol ang grado.
“’Pag nangyari iyon, madami tayong magagawa. Flagship natin scholarship kahit ang grado ay palakol, hindi lamang matataas ang grado ang gusto natin maging iskolar. I think it’s about time na bigyan din ng pansin ‘yung may palakol,” ani Aragones.
“Baka kaya hindi nakakapasok ng maayos kasi walang pamasahe, baka matalino kulang sa kain, kulang sa pambili ng project. Pakiramdam ko ‘pag ang mga batang ito hindi nakapag-aral, para na ring tinanggalan ng karapatan na makapag-aral at maiahon ang pamilya sa kahirapan. Matutupad ito ‘pag andyan ang AKAY ni SOL Party-list,” wika niya.
“Ako ang presidente ng AKAY ni SOL Party-list. Ang laban ko ay 2-in-1. Kaya natin inilalaban ay malaking pondo nito ay mapupunta sa Laguna. ‘Pag nangyari iyon madami tayo magagawa flagship projects natin at isa na nga rito ay ang gawing iskolar ang mga estudyante kahit ang grado ay palakol,” wika pa niya.
Patuloy ang pamamahagi ng tulong ni Aragones. Nito lamang Sabado ay nagsagawa ng pre-screening sa mga taong may foot drop ang AKAY nI SOL “Alagang Sol Aragones on the Go” na isinagawa sa Palacios Events Place sa San Pablo City, Laguna.

Daan-daang may kapansanan sa paa ang sinuri ng mga orthotics ng UERM na kapartner ni Aragones sa kanyang programa.

“Itong xtern foot drop ay kaisa-isa sa buong mundo at eksklusibong ibinigay sa AKAY ni SOL ng Pilipinas. Ito ay libre, sa tulong nito ay bumabalik sa normal ang buhay ng tao,” paliwanag niya.
Ani Aragones, nasa 6,000 na sa ibat’ibang bahagi ng bansa ang nabiyayaan ng foot drop.

Karamihan sa mga nabigyan nito ay mga taga-Laguna. Meron din na nabiyayaan mula sa mga lalawigan ng Batangas, Quezon, Cavite, Pampanga, Rizal at Bulacan at maging sa Pasig, Las Pinas at Quezon City.

FEMALE JAIL VISITOR NABBED FOR SHABU CONCEALED IN PRIVATE PART
COPS ARREST BARANGAY CAPTAIN IN PAMPANGA ROAD RAGE SHOOTNG
53-YEAR-OLD WOMAN FOUND DEAD IN BATAAN HOME
OVER 3,000 COPS DEPLOYED TO ENSURE PEACEFUL BARMM POLLS
P1.16-M FAKE FERTILIZERS CONFISCATED IN NUEVA ECIJA
COPS SEIZE P22-M ILLEGALLY TRADED PETROLEUM PRODUCTS IN BATAAN
PRESIDENT MARCOS ORDERS DMW TO EXTEND ALL POSSIBLE AID TO FAMILIES OF 2 PINOY SEAFARERS KILLED IN BLACK SEA DRONE ATTACKS
PBBM: UPGRADES AT PORT OF LUCENA GOOD FOR REGIONAL GROWTH
DIESEL, KEROSENE PRICES UP BY OVER P10 STARTING JULY 21, 2026
FUEL SUBSIDY PROGRAM FOR PUV DRIVERS TO CONTINUE – PALACE