NIIMBESTIGAHAN na ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Philippine National Police kung sino ang nasa likod ng pagsabog ng molotov bomb sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 parking area sa Pasay City noong Sabado ng umaga.
Ayon sa inisyal na ulat, isang ingay na parang mahinang pagsabog ang narinig mula sa open parking area sa harap ng Terminal 3, ayon sa post ng MIAA sa Facebook.
“A faint explosion was reported on or about 0930H this morning at the open vehicular parking of NAIA Terminal 3,” ayon sa pahayag ng MIAA.
Walang iniulat na nasaktan subalit tatlong sasakyan ang na-damage sa naturang pagsabog.
“A glass bottle containing flammable liquid and wrapped with a cloth was shattered, its particles hitting three vehicles parked near where it landed. Eyewitness reports said that small flames were also seen at the bottom part of the vehicles,” dagdag na pahayag ng MIAA.
Kasalukuyan nang sinusuri ang mga CCTV camera sa paligid, gayundin ang mula sa mga kalapit na establisyimento.
Hinimok naman ni MIAA officer-in-charge na si Bryan Co ang publiko na agad iulat sa mga awtoridad ang mga kahina-hinalang mukha at mga kaduda-dudang galaw ng mga ito.
Hiniling din ni Co sa pulisya na dagdagan ang patrol at visibility sa mga pampublikong lugar.

PRESIDENT MARCOS ORDERS DMW TO EXTEND ALL POSSIBLE AID TO FAMILIES OF 2 PINOY SEAFARERS KILLED IN BLACK SEA DRONE ATTACKS
PBBM: UPGRADES AT PORT OF LUCENA GOOD FOR REGIONAL GROWTH
DIESEL, KEROSENE PRICES UP BY OVER P10 STARTING JULY 21, 2026
FUEL SUBSIDY PROGRAM FOR PUV DRIVERS TO CONTINUE – PALACE
PROSECUTORS CLAIM WIN AFTER IMPEACHMENT COURT GRANTS BID TO SUBPOENA VP SARA’S BANK, TAX RECORDS
CHIZ PUSHES REVIEW OF JUVENILE JUSTICE SYSTEM FOR SAFER SCHOOLS