NAKATAKDANG hilingin ng Department of Justice (DOJ) sa mga lokal na korte na i-cite in contempt ang tatlong vloggers (video bloggers) sa pag-post ng isang interview sa nakatakas na dating hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Gerald Bantag, na pinaghahanap para sa pagpatay sa broadcaster na si Percival Mabasa o “ Percy Lapid.”
Naglabas ng warrant of arrest ang Muntinlupa at Las Piñas Regional Trial Courts laban kay Bantag para sa pagkamatay ni Lapid at Bilibid inmate na si Cristito Palana Villamor o Jun Villamor.
Si Villamor ang nagawang kunin ang serbisyo ng umamin na hitman na si Joel Escorial para patayin si Lapid. “Siya (Bantag) po ay na-interview ng ilang vloggers. Bawal po yan,” ani Remulla sa media noong Lunes. Iginiit ni Remulla na “sinisira” ng mga vlogger ang korte at ang legal na proseso nito.
“Binabastos nila ang korte. Wanted na ito, may court order na for their arrest,” paliwanag pa niya.
Ayon kay Remulla, sa ilalim ng batas kahit ang mga ordinaryong mamamayan ay maaaring arestuhin o kahit man lang ay magsumbong sa pulisya ng anumang impormasyon tungkol sa isang wanted na tao.
“Pag ito ay tinulungan mo, parang sinuway mo ang korte,” giit ng Justice chief.
Nahaharap sina Bantag at dating BuCor deputy security officer Ricardo Zulueta sa kasong murder sa Muntinlupa at Las Piñas Regional Trial Courts para sa pagkamatay nina Lapid at Villamor.
Si Lapid ay binaril ng mga armadong lalaki habang pauwi sa Las Piñas noong Okt. 3, 2022.
Si Villamor naman ay natagpuang patay matapos itong tukuyin ni Escorial na siyang kumuha sa kanya para patayin si Lapid.

COURT ORDERS ARREST OF VP SARA OVER GRAVE THREATS RAPS
PBBM CONDOLES WITH FAMILIES OF 2 FILIPINO SEAFARERS KILLED IN STRAIT OF HORMUZ
2 PINOY SEAMEN KILLED IN STRAIT OF HORMUZ ATTACK
PALACE ANNOUNCES FREE TOLL IN SELECT NLEX AREAS STARTING SEPT. 2
LACSON FILES BILL SEEKING TO GRANT OMBUDSMAN POWER TO ARREST, SEARCH, SEIZE
PBBM TO DEPED: TEACH CLIMATE CHANGE AMONG SCHOOL CHILDREN
FLOOD RESCUE BRINGS RIPPLES OF HOPE MEMBERS BACK TO THANK PRO3 PERSONNEL
PRO3’S 36-HOUR MANHUNT OPERATIONS HAUL TO JAIL ALL CL’S 10 MOST WANTED FELONS