PATAY ang isang Grade 5 student makaraan umanong sampalin ng kanyang guro sa Antipolo City, Rizal.
Sumisigaw ng hustisya ang mga magulang ng biktimang si Francis Jay Dumiquib, 14-anyos, estudyante sa Penafrancia Elementary School sa Antipolo City.
Pumanaw si Dumiquib nitong Lunes, 11-araw matapos umanong isugod sa ospital kasunod ng panampal.
Ayon sa mga magulang ng bata, nahilo at nagsuka ang kanilang anak kaya itinakbo nila ito sa pagamutan.
Bago pumanaw, sinabi ng bata sa kanyang ina na sinabunutan at sinampal umano siya ng kanyang guro.
Nakapasok pa ng ilang araw si FJ bago naratay sa ICU hanggang sa binawian ito ng buhay.
Batay sa medical record ng biktima, pagdurugo sa utak o brain hemmorage ang ikinasawi ng biktima.
Depensa naman ng guro sa pulisya na sinita lamang niya ang biktima dahil sa pag-iingay umano nito sa Filipino subject.
Hindi umano sinasadyang natapik ng guro sa pisngi ang bata.
Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa nasabing guro.
Samantala, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Education (DepEd) hinggil sa pangyayari.
Nagtungo sa nasabing paaralan ang mga opisyal ng DepEd para sa kaukulang pagsisiyasat.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS