AABOT sa 31 ektaryang sakahan ang nakatakdang pagtaniman ng iba’t ibang hybrid na variety ng palay sa isasagawang Hybrid Rice Derby ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Rice Program sa Sariaya, Quezon.
Ang Hybrid Rice Derby ay isa sa mga proyekto ng Kagawaran na naglalayong maipakita ang potensyal sa produksyon ng mga hybrid na klase ng palay at mahikayat ang mga magsasaka na tangkilikin ito.
Dito ay tutukuyin din ang mga uri na mapapatunayang mabisa at angkop sa lugar na siyang irerekomenda sa mga magsasaka.
Anim na Seed Company ang kalahok sa aktibidad na silang pagmumulan ng 15 hybrid na variety ng palay. Ito ay ang Long Ping, Leads, SL Agritech, Syngenta, Seedworks, Ramgo, at Allied. Katuwang din dito ang limang Fertilizer Company na Bioprime, Gemini, Amo, Enviro, at Plant Catalysts.
Kaugnay nito, noong ika-3 hanggang ika-5 ng Oktubre ay sinimulan na ng DA-4A Rice Program ang balidasyon at georeferencing ng lupang pagtataniman na pagmamay-ari ng Tumbaga 1 Bucal Irrigators Association, Inc. Inaasahan na sa mga susunod na linggo ay sisimulan na ang pagtatanim.
Nagpapasalamat naman si G. Edwin Balalad, magpapalay sa Tumbaga, sa oportunidad na ibinigay sa kanila ng Kagawaran na masaksihan ang paglago ng mga variety na makatutulong upang mapataas pa ang kanilang produksyon ng dekalidad na palay.

FLOOD RESCUE BRINGS RIPPLES OF HOPE MEMBERS BACK TO THANK PRO3 PERSONNEL
PRO3’S 36-HOUR MANHUNT OPERATIONS HAUL TO JAIL ALL CL’S 10 MOST WANTED FELONS
PRO3 MEETS AUGUST MANHUNT TARGET WITH 1,215 ARRESTS
MAN KILLS 3-YEAR-OLD SON IN ILOCOS SUR
PRO3 MANHUNT OPERATIONS NET 1,082 WANTED PERSONS IN CENTRAL LUZON
PRO3 ENDS 2-DECADE MANHUNT, ARRESTS MOST WANTED FELON
COURT ORDERS ARREST OF VP SARA OVER GRAVE THREATS RAPS
PBBM CONDOLES WITH FAMILIES OF 2 FILIPINO SEAFARERS KILLED IN STRAIT OF HORMUZ