NASAWI ang isang Grade 11 student makaraang pagbabarilin sa loob ng kanilang paaralan nitong Miyerkules, Nobyembre 29 sa Pikit, North Cotabato.
Kinilala ang biktima na si John Rey Cabuga, Grade 11 student ng Datu Dalandag High School sa Bgy. Ginatilan sa bayan ng Pikit.
Sa imbestigasyon, may inaayos sa stage ang biktima kasama ang ilang mga kaklase nang lapitan ng salarin at pagbabarilin.
Mabilis na tumakas ang suspect matapos ang pamamaril.
Kinondena ng Department of Education sa Cotabato ang pamamaslang sa naturang estudyante.
Hiling ng Kagawaran sa pulisya na mahuli ang responsable sa krimen.
Inaalam pa kung ano ang motibo sa nangyaring pamamaslang.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS