IMINUMUNGKAHI ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng buwanang P1,000 hazard pay para sa mga barangay tanod bilang insentibo sa ginagampanan nilang tungkulin na pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa kanilang komunidad.
“Malaki ang ambag ng mga barangay tanod sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan. Sila ang nagpupuyat sa gabi at frontliner, gaya ng nasaksihan natin noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Kakarampot na halaga ito kapalit ng kanilang serbisyo, sakripisyo at pagkakawanggawa,” ani Estrada.
Sa kanyang inihain na Senate Bill No. 794, inirekomenda ni Estrada na bigyan ng buwanang P1,000 bilang hazard pay ang hinirang na mga miyembro ng barangay tanod brigades. Ang pondo ay una munang manggagaling sa budget ng Department of the Interior and Local Government (DILG), habang ang mga susunod na implementasyon nito ay isasama na sa budget ng local government units (LGUs).
Bagamat tumatanggap ng mga benepisyo ang mga barangay tanod tulad ng iba pang opisyal ng barangay, batid ni Estrada, na isang dating lokal na punong ehekutibo at nagsilbi bilang mayor ng siyudad ng San Juan sa loob ng tatlong dekada bago nahalal na senador noong 2004, na binibigyan lamang ng hindi bababa sa P600 kada buwan na honoraria o allowance ang mga barangay tanod.
“Ang barangay tanod brigades ay mga manggagawa sa komunidad na nangangailangan din ng proteksyon. Ang panukalang ito ay kinikilala ang kanilang mahalagang kontribusyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang lokalidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo habang patuloy silang tumutupad sa kanilang mga opisyal na gawain,” ani Estrada, chairperson ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development.
“Bilang mga frontliner, dapat silang makatanggap ng sapat na suporta at pagkilala mula sa gobyerno. Karapat-dapat silang bigyan ng ganitong insentibo,” dagdag pa niya.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA