HINIKAYAT ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga iprinoklamang panalo sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na maging tapat at pagsilbihan ng maayos ang kanilang mga nasasakupan.
Ginawa ng Pangulo ang panawagan kasabay ng kanyang pagbati sa lahat ng mga bagong halal at muling nahalal na BSK officials.
Sa isang video message na na-upload sa kanyang official Facebook page, kinilala ng Pangulo ang mahalagang papel ng BSK officials sa pagpapaganda ng buhay ng kanilang constituents.
“Isang panibagong pagkakakataon na naman po ito upang makapag-serbisyo sa mga Pilipino at sa ating bayan ng buong puso, at higit pa sa abot ng ating kakayahan. Maging tapat po tayo sa lahat ng oras. Lagi po nating unahin ang kapakanan ng sambayanan sapagkat sila po ang dahilan kung bakit nais nating magsilbi sa bayan,” anang Pangulo.
“Sa ating pagkakaisa at kolektibong pagsisikap, tiyak na maisusulong natin ang ‘Bagong Pilipinas’ kung saan ang bawat barangay ay mapayapa, masaya, at maunlad; kung saan nananaig ang pagkakaisa, pagkakaunawaan, at kasaganaan; at kung saan ang bawat mamamayan ay taas-noo bilang mga Pilipino,” dagdag pa ni Marcos.
Nagpahayag ng kasiyahan ang Pangullo sa matagaumpay at mapayapang pagdaraos ng nagdaang halalan kasabay ng pasasalamat sa lahat ng mga bomoto.
Batay sa datos ng Commission on Elections (Comelec) 42,007 posisyon sa pagkabarangay chairman at 294,007 para sa SK ang pinaglabanan.
Sinabi rin sa nasabing datos na may 67.8 milyong rehistradong botante ang bomoto sa halalang pambarangay habang 23.2 milyon naman para sa Sangguniang Kabataan.
Ayon kay Comelec chairperson George Erwin Garcia, tahimik at payapa sa pangkalahatan ang nagdaag BSKE.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA