ISANG bagong halal na barangay kagawad ang binaril at napatay ng sarili nitong pinsan sa Midsayap, North Cotabato Miyerkules ng umaga, Nobyembre 1.
Kinilala ang biktima na si Suharto Antilino, 35, bagong proklamang kagawad sa Bgy. Poblacion 3 sa bayan ng Midsayap.
Sa ulat kay Midsayap police chief Lt. Col. John Miridel Calinga, sinabi ng ilang saksi na nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang pinsan nito na humantong sa pamamaril.
Sinasabing tinangka ng biktima na tumakbong palayo subalit hinabol ito ng suspect at binaril sa likod ng ulo.
Namatay doon din si Antilino.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen and isang basyo ng kalibre .45 .
Personal na away ang tinitignang anggulo ng pulisya sa nasabing pamamaslang.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS