EPEKTIBO ngayong Lunes, Nobyembre 6, ang dagdag sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor at mga kasambahay sa Region 1 o Ilocos Region.
Batay sa Wage Order RB 1-22 na inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-1 (RTWPB-1), madaragdagan ng P30 hanggang P35 ang daily minimum wage ng mga mangagawa sa rehiyon.
Mula Nobyembre 6, ang minimum na sahod sa rehiyon ay magiging P435 para sa non-agriculture establishments na may 10 o higit pang manggagawa at P402 para sa non-agriculture establishments na may mas mababa sa 10 empleyado at agriculture workers.
Inaprubahan din ng RTWPB-1 ang Wage Order RB 1-DW-04 na nagbibigay ng buwanang pagtaas ng P500 sa sahod ng mga kasambahay sa rehiyon.
Mula P5,000 ay magiging P5,500 ang buwanang sahod ng mga kasambahay.
Ang pagtataas ng sweldo ng mga mangagawa sa Region 1 ay resulta na rin ng mga public consultations at hearings .
Ang Ilocos Region ay binubuo ng apat na lalawigan na kinabibilangan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS