CTTO
PINAYAGAN ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 nitong Lunes si dating senator Leila De Lima at apat na iba pang kasamang akusado na makapagpiyansa para sa kanilang pansamantalang paglaya.
Sa 69-pahinang resolusyon, pinagbigyan ni Judge Gener Gito ang motion for reconsideration na inihain ni De Lima at co-accused na sina dating Bureau of Corrections chief Franklin Bucayu, police asset Jose Adrian Dera, dating driver-bodyguard na si Ronnie Dayan, at ex-security aide Jonnel Sanchez.
Pinahintulutan silang makapagpiyansa ng halagang P300,000.
Si Gito ang bagong hukom na may hawak ng drug case ng dating senadora at mga kasama nitong akusado.
Una nang ibinasura ni Judge Romeo Buenaventura noong Hunyo 7 ang petition for bail na inihain ni De Lima.
Si De Lima ay inaresto noong Pebrero 2017 sa kasong ilegal na droga, kabilang ang umano’y pakikipagsabwatan sa mga preso sa Bilibid upang makapagbenta ng ilegal na droga para diumano pondohan ang kanyang pagtakbo sa Senado noong 2016.
Mariin itong pinasinungalingan ng dating senadora.
Dalawa sa mga kaso ni De Lima ang nabasura na at isa na lamang ang nakabimbin pa.
Ayon kay Philippine National Police spokesperson Col. Jean Fajardo, sasailalim muna ang dating senadora sa physical at medical examinations upang alamin ang kondisyon ng kanyang kalusugan bago iturn-over sa kanyang pamilya o mga abogado.
Labis naman ang kasiyahan ng pamilya ng dating senadora nang malaman na pinayagan na ito ng korte na makapagpiyansa.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA