LIBU-LIBONG patay na isda ang naglutangan sa ilalim ng mga bahay at dalampasigan sa bahagi ng Cañacao Bay sa Cavite City.
Agad na umaksyon ang tanggapan ni Cavite City Mayor Denver Chua kasama ang mga tauhan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at nagtungo sa Bgy. 62-A para malaman ang pinagmulan ng fish kill.
Inireklamo ng mga residente ang masangsang na amoy ng dulot ng nasabing mga patay na isda.
Kagyat namang tinanggal ang mga patay na variety ng tilapiang Gloria mula sa ilalim ng mga naapektuhang bahay sa barangay.
Mahigit sa 50 sako ng patay na tilapia ang natanggal ng mga miyembro ng Bantay Dagat, CENRO, Cavite City River Rangers, Philippine Coast Guard at barangay volunteers mula sa ilalim ng mga naapektuhang bahay at mga dalampasigan kung saan inanod ang mga patay na isda.
Ang mga nakuhang patay na isda ay agad na dinala sa Material Recovery Facility sa lungsod para (MRF) para sa “proper disposal” ng mga ito.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS