SA gitna ng “bangayan” sa isyu ng charter change o pag-amyenda sa 1987 Constitution, nagkamay ang dalawang pinuno ng Senado at Kamara de Representantes sa ginanap na pagdiriwang ng ika-100 kaarawan ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile nitong Miyerkules, Valentine’s Day, sa Palasyo ng Malakanyang.
Ang kamayan sa pagitan nina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay nasaksihan ng mga mambabatas kabilang na si Lakas-CMD party chairman Senator Ramon “Bong” Revilla Jr..
“Nagkamay sila. Nandoon si PBBM, pero hindi sa harap niya nagkamay ‘yun dalawa,” ani Revilla.
Ayon kay Revilla, siya mismo ang humiling ng ceasefire nang magkita sila ng mga kapwa niya mga mambabatas.
Si Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos ang nag-host ng lunch para sa kaarawan mg kanyang chief legal counsel.
Pinasalamatan ng Pangulo si Enrile sa pagtanggap nito sa hamon na maging chief presidential legal counsel na siya ngayong pinakamatanda at pinakamatagal na nagsisilbing public official sa bansa.
Isang Presidential Letter of Felicitation ang ipinagkaloob ng Pangulo kay Enrile sa nasabing okasyon.
Wish naman ni Enrile sa kanyang kaarawan ay ang patuloy na suporta ng taumbayan para sa administrasyon ni Pangulong Marcos.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA