NAGSIMULA nang manghuli nitong Miyerkules (Abril 17) ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ng mga driver ng tricycle, pedicab, kuliglig, e-bike, e-trike, light electric vehicle at maging ang mga nagtutulak ng kariton na dumaan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Hanggang alas-10 ng umaga nitong Miyerkules, umabot sa 69 indibidwal ang natiketan habang pito ang na-impound na unit.
Kabilang sa mga nahuli ay 46 tricycle, tatlong pedicab, siyam na e-trike at 11 e-bike.
Ang multa sa paglabag ay P2,500.
Ang mga hindi rehistrado o walang maipakitang lisensya ay kinumpiska at na-impound ang unit.
Ayon kay MMDA acting chairman attorney Don Artes, hindi bago ang regulasyon dahil may nauna nang inilabas na memorandum ang Department of Interior and Local Government (DILG) na nagbabawal sa mga ganitong uri ng mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan.
Pangunahing layunin ng regulasyon ay para sa kaligtasan ng publiko, maiwasan ang mga aksidente, at maiwasan ang bigat sa daloy ng trapiko.
Ang pagpapatupad ng nasabing kautusan ay napagkasunduan kamakailan sa #BagongPilipinas Pilipinas Town Hall Meeting hinggil sa mga bagay na may kaugnayan sa trapiko na pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos kasama ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na layong matugunan ang problema sa trapiko sa Kamaynilaan.
Ayon kay Pangulong Marcos, “ang bagong Pilipino ay disiplinado sa pagmamaneho, nagbibigayan, may konsiderasyon sa kapwa, at sumusunod sa batas trapiko.”

ONLINE THREAT HITS UP DILIMAN; STUDENTS EVACUATED
QC SCIENCE HIGH SCHOOL WINS FIRST NXTGEN CONGRESS
P755 NEW DAILY MINIMUM WAGE FOR METRO MANILA WORKERS
LAWYER CALLS FOR PROBE INTO ALLEGED ILLEGAL STL OPERATIONS IN QC
FAMILY OF 4 DIE IN QUEZON CITY FIRE
THOUSANDS MOURN ‘NANAY NENE NG TONDO’
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA