NI LEX MANALO
IIMBESTIGAHAN ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality ang isang kulto sa Socorro, Surigao del Norte na inakusahan ng rape, sexual abuse, forced labor at child marriages.
Ang kulto na kinilalang Socorro Bayanihan Services, Inc. (SBSI) o higit na kilala sa kanilang mga tagasunod bilang Omega de Salonera ay naniniwalang si Jey Rence Quilario ang kanilang Messiah o tagapagligtas.
Ang grupo ay mayroong 3,650 miyembro, kabilang ang 1,587 kabataan na matatagpuan sa guwardiyadong lugar sa kabudukan ng Sitio Kapihan sa bayan ng Socorro, ayon kay Senador Risa Hontiveros na naghain ng Senate Resolution No. 797 na nagsusulong ng imbestigasyon.”Nakakakilabot ang nabuong kulto sa Surigao.
Pero mas nakakakilabot at nakakagalit ang mga kaso ng panggagahasa, pananakit, at pilit na pagkakasal na ginawa sa mga menor de edad.
Dapat na mawakasan ito.
Bilang chairperson ng Senate Committee on Women and Children, at isang ina, hinihiling ko na huwag hayaan ang ganitong halimaw na gawain,” ani Hontiveros.
Naghain din ng katulad na resolusyon si Senador Ronald Dela Rosa makaraang makatanggap ng sulat mula kay Socorro Mayor Riza Rafonselle Timcang na humihiling ng imbestigasyon ng Senado hinggil sa umano’y shabu laboratory sa kanilang bayan na bantay-sarado ng private army na kung tawagin ay “Agila” na suportado ng extremist groups sa Southern Mindanao.
Nakatanggap din si Dela Rosa ng impormasyon mula sa mga residente ng bayan ng Socorro na isang Rosalina Taruc na opisyal ng SBSI and pinaslang noong 2021 habang ang anak nito na si dating mayor Denia Florano ay misteryosong namatay makalipas ang walong araw.Base sa mga testimonyang nakalap ng tanggapan ni Hontiveros, si Quilario na kilala rin bilang “Senior Agila,” ay sekswal na inaabuso at sinasaktan ang mga kabataan, nagkakasal ng mga bata na ang pinakabata ay 12-anyos sa mga matatanda, at ikinakandado ang mga kuwarto kung saan nangyayari ang mga panggagahasa.
Nakatanggap din umano si Hontiveros ng report na ang kulto ay nagri-recruit ngayon ng mga menor de edad mula sa Metro Manila habang walong bata naman ang nakatakas mula sa grupo noong Hulyo.
Ayon pa kay Hontiveros, sapilitang kinukuha ni Quilario mula sa mga miyembro ng kulto ang social welfare benefits ng mga ito gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, senior citizen pension, at Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS benefits.
Samantala, sa isang radio interview, mariing pinasinungalingan ni SBSI vice president Mamerto Galanida ang naturang mga alegasyon kasabay ang pahayag na handa silang humarap sa anumang imbestigasyon.

COURT ORDERS ARREST OF VP SARA OVER GRAVE THREATS RAPS
PBBM CONDOLES WITH FAMILIES OF 2 FILIPINO SEAFARERS KILLED IN STRAIT OF HORMUZ
2 PINOY SEAMEN KILLED IN STRAIT OF HORMUZ ATTACK
PALACE ANNOUNCES FREE TOLL IN SELECT NLEX AREAS STARTING SEPT. 2
LACSON FILES BILL SEEKING TO GRANT OMBUDSMAN POWER TO ARREST, SEARCH, SEIZE
PBBM TO DEPED: TEACH CLIMATE CHANGE AMONG SCHOOL CHILDREN
FLOOD RESCUE BRINGS RIPPLES OF HOPE MEMBERS BACK TO THANK PRO3 PERSONNEL
PRO3’S 36-HOUR MANHUNT OPERATIONS HAUL TO JAIL ALL CL’S 10 MOST WANTED FELONS