NI BIBOY DE LEON
AGAD na tatanggap ng kanilang honoraria ang mga gurong maglilingkod sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktube.
Ito ang tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) noong Lunes kasunod ng paglagda ng memorandum of agreement sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at Public Attorney’s Office (PAO) para matiyak ang proteksyon ng mga guro.
“Ang commitment natin baka hindi abutin ng 10 days din. Ibibigay natin on time ‘yung lahat ng honoraria nila,” pahayag ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia sa pagpupulong.
Ang desisyon ay ginawa bilang tugon sa kahilingan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na “siguraduhin na ang ating mga guro na naglilingkod sa halalan ay makakakuha ng kanilang mga napapanahong allowance.”
Ayon kay Garcia, sa ilalim ng batas, dapat matanggap ng mga guro ang kanilang honoraria sa loob ng 15 araw matapos ang pagsasagawa ng botohan.
Batay sa updated na honoraria, itinaas ng Comelec ang compensation mula P6,000 at P5,000 sa P10,000 at P9,000 para sa mga electoral chairperson at board members, ayon sa pagkakasunod.
“Doon sa mga areas na may early voting hours, binigyan namin ng dagdag na P2,000 across the board ‘yung lahat na maglilingkod na mga guro,” ani Garcia.
Bukod sa mas mataas na honoraria, tiniyak din ng Comelec chief ang pagkakaroon ng P500,000 death benefits at P200,000 cash assistance kung sakaling masugatan ang bawat guro.
“Mayroon kaming in-allocate na P35 million para sa trust fund natin para anytime pwedeng gamitin para sa kapakanan ng ating mga guro,” dagdag pa ni Garcia.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA