NAGBITIW na sa puwesto si Office of Transportation Secretary (OTS) Mao Aplasca. Ang pagbibitiw ni Aplasca ay kasunod ng banta ni Speaker Martin Romualdez na haharangain ang budget ng ahensiya dahil sa sunod sunod na katiwalian sa OTS kung saan kabilang dito ang kinasangkutang kontrobersiya sa “lunok pera” ng isa sa kanyang mga tauhan.
Sa inihaing courtesy resignation ni Aplasca kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nito na hindi niya kayang isakripisyo ang kanyang organisasyon kung kaya mas makabubuting magbitiw na lamang siya. Itinuturing ng hepe ng OTS na ang kanyang pagbibitiw ay isang “noble undertaking for a great interest.”
Iginiit ni Aplasca na wala siyang ginawang masama kungdi isang honest compaign laban sa corruption sa lahat ng airports sa buong bansa.
“But I can assure His Excellency that the good men and women of OTS will not falter in its commitment to cleanse its ranks to finally deliver your promise of a convenient, affordable , safe and secured transportation system,” ani Aplasca sa kanyang resignation letter.
Nagpasalamat din ito kay Transportation Secretary Jaime Bautista dahil sa tiwalang ibinigay nito sa kanya upang makapagsilbi sa mamamayang Pilipino.
Una rito, naging kontrobersiyalang kumalat na video ng isang OTS personnel na diumano’y lumunok ng $300 na mula sa isang pasahero.
Ayon sa tauhan ng OTS, ang kanyang nilunok ay isa lamang chocolate.
Kasunod ng kontrobersiya, nanawagan si Romualdez na magbitiw sa puwesto si Aplasca.

SENATE CONCLUDES FIRST REGULAR SESSION OF THE 20TH CONGRESS
GATCHALIAN ELECTED AS ACTING SENATE PRESIDENT
CHIZ ARRIVES AT THE PLENARY, COMPLETES REQUIRED QUORUM OF 12 SENATORS
HOUSE EXPELS CAVITE CONGRESSMAN KIKO BARZAGA
PROPOSED P240 IMMIGRATION FEE FOR TRAVELERS STILL UNDER STUDY – PALACE
SUBSTANDARD APPLIANCES SEIZED IN NUEVA ECIJA BUY-BUST
SM SAN PEDRO JOINS BRIGADA ESKWELA 2026