PINALAYAS ni Sorsogon Gov. Jose Edwin B. Hamor ang Kamikazee sa gitna ng pagdiriwag ng kanilang kapistahan dahil umano sa hindi magandang inasal ng banda.
Kahit pa bayad na ay hindi na pinag-perform ng gobernador ang banda sa Casiguran, Sorsogon Kasanggayahan Town Fiesta 2023 nitong linggo ng gabi, Oktubre 1, 2023.
“Hindi tayo pwedeng bastusin,” anang gobernador sa kanyang pananalita sa gitna ng entablado.
Hindi na aniya makababalik pa sa Sorsogon ang Kamikazee dahil marami naman umanong banda na handang magpasaya sa mga Sosoganon.
Ayon kay Sorsogon Public Information Officer Dan Mendoza, nagalit umano ang gobernador nang tumanggi ang Kamikazee na magpa-picture sa “16,000 blue roses” na tourist attraction sa bayan ng Casiguran.
Noong una ay pumayag naman umano ang banda ngunit hindi naman umano ito sumipot nang oras na ng pictorial.
Ayon sa gobernador , marami pang events ang naka-line up ngayong buwan para sa kanilang kapistahan kabilang na ang grand opening sa Oktubre 8 kung saan magpe-perform sina “Unkabogable Star” Vice Ganda, “Popstar Royalty” Sarah Geronimo, MCat Lassy, Zeus Collins, at ang grupong Six Part Invention.
Sa kabila ng pagpapalayas sa Kamikazee, pinasaya naman ang mga manoanood ng mga bandang Imago, at I Belong To The Zoo.
Samantala, “I choose love” naman ang ipinost ni Kamikazee band lead vocalist sa Jay Contreras sa kanyang Instagram.

FLOOD RESCUE BRINGS RIPPLES OF HOPE MEMBERS BACK TO THANK PRO3 PERSONNEL
PRO3’S 36-HOUR MANHUNT OPERATIONS HAUL TO JAIL ALL CL’S 10 MOST WANTED FELONS
PRO3 MEETS AUGUST MANHUNT TARGET WITH 1,215 ARRESTS
MAN KILLS 3-YEAR-OLD SON IN ILOCOS SUR
PRO3 MANHUNT OPERATIONS NET 1,082 WANTED PERSONS IN CENTRAL LUZON
PRO3 ENDS 2-DECADE MANHUNT, ARRESTS MOST WANTED FELON
COURT ORDERS ARREST OF VP SARA OVER GRAVE THREATS RAPS
PBBM CONDOLES WITH FAMILIES OF 2 FILIPINO SEAFARERS KILLED IN STRAIT OF HORMUZ