NASAWI sa mismong araw ng halalan ang isang kandidato sa pagka-barangay chairman sa Lanao del Sur makaraang mabaril ng sariling kapatid na kalaban nito sa posisyon kasunod ng mainitang pagtatalo.
Nangyari ang insidente sa isang presinto sa Butig, Lanao del Sur.
Kinilala ni Lanao del Sur police provincial director Col. Robert Daculan ang biktima na si Madid Bao, kandidato sa pagka-kapitan sa Bgy. Poktan.
Namatay si Madid habang isinusugod sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City ganap na alas – 7 ng umaga nitong Lunes.
Si Madid, tumatakbong barangay chairman kalaban ang kapatid na si Jamael, ay asawa ng incumbent at last-termer village chairperson na si Conaipa Bao.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nasa loob ng voting precinct sa Bgy. Poktan si Jamael nang dumating si Madid at kinompronta ang kapatid kung bakit ito nandoon gayong bawal ang kandidato sa lugar.
Naging mainitan ang pagtatalo hanggang sa bigla na lamang hatawin ni Madid si Jamael sa ulo gamit ang pistola. Nagpambuno ang magkapatid na humantong sa pagkakabaril kay Madid sa dibdib.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS