NANAWAGAN ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa taumbayan para sa taimtim at mapayapang paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day itong Nobyembre 1 at 2.
“Isang mataimtim at mapayapang Undas sa ating lahat,” anang Pangulo sa kanyang vlog na naka-upload sa kanyang official Facebook page.
Pinaalalahanan ng Pangulo ang publiko na sundin ang mga patakaran sa pagbisita sa mga namayapang mahal sa buhay.
Pinayuhan din niya ang mga magbibiyahe na mag-ingat ngayong holiday break.
“Sa lahat po nang magbabakasyon o out-of-town ngayon, mag-ingat po tayo sa biyahe. Panatilihing malinis ang mga sementeryo at ingatan ang inyong mga kagamitan,” anang Pangulo.
Nagtalaga ang Philippine National Police (PNP) ng tinataya sa 4,866 police assistance desks sa lahat ng pampublikong sementeryo, memorial parks, columbaria, at catacombs sa buong bansa.
Mahigit 27,000 kapulisan ang ipinakalat bilang bahagi ng pinaigting na alert measures ngayong All Saints’ at All Souls’ Days.
Inilagay din sa “heightened alert” status ang Philippine Coast Guard simula Oktubre 25 hanggang Nobyembre 5 upang masiguro ang maayos na operasyon ng mga magbibiyahe sa karagatan gayundin ang kaligtasan ng mga turista.
Nagpakalat naman ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng mga tauhan para sa Emergency Medical Services sa 66 sementeryo sa Metro Manila bilang bahagi ng preparasyon sa paggunita ng Undas.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA