ARESTADO ang tatlong Chinese nationals nitong Biyernes dahil sa kasong kidnapping sa Biñan City, Laguna.
Kinilala ni Laguna Police Provincial Office OIC Col. Harold P. Depositar ang mga nasakote na sina alias “Tan,” residente ng Sta Cruz, Maynila; alias “Hui;” at alias “Yang.”
Ayon kay Lt. Col. Jonathan Robert C Rongavilla, heoe ng Binan Component City Police Station (CCPS), nakatanggap sila ng tawag hinggil sa umano’y insidente ng kidnapping.
Sa pahayag sa pulisya ng biktimang si alias “Shoroming,” dinukot siya ng mga suspect sa Pasay City noong Oktubre 30, 2023 at itinago sa isang inuupahang apartment sa isang subdibisyon sa Bgy. Tubigan, Biñan City.
Inutusan umano ang biktima na humingi sa kanyang pamilya ng ransom na P1 milyon at isang sasakyang BMW.
Pinalad namang makatakas ang biktima at nakahingi ng saklolo sa mga residente ng subdibisyon na siya namang tumawag sa Biñan City Police Station upang humingi ng tulong.
Agad namang tinungo ng mga awtoridad ang lugar na nagresulta sa pagkakasakote kina Tan at Yang .
Narekober mula sa dalawang suspect ang isang kalibre .22 na rebolber na may limang bala at 35 piraso ng bala para sa kalibre .45.
Ang isa pang suspect na si Hui ay nahuli sa isinagawang follow-up operation sa nasabi ring subdibisyon.
Nakakulong na ngayon ang mga suspect sa Biñan City Police Station jail facility habang inihahanda ang mga kasong kidnapping, extortion, grave coercion, at paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearm and ammunition laban sa mga ito.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS