NAIUWI na sa Pilipinas ang bangkay ng 32-anyos na Pinoy worker na si Angelyn Peralta Aguirre na namatay sa digmaan ng Israel at Hamas.
Nitong Biyernes, Nobyembre 3, 2023, ang labi ni Aguirre ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport at itinurn-over nina Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Undersecretary Hans Leo Cacdac, at Overseas Workers Welfare administrator Arnell Ignacio sa pamilya nito sa PAIR-PAGS compound ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Si Aguirre, na nagtrabaho bilang isang caregiver sa Israel, ay namatay noong Oktubre 7, 2023, nang ang kanyang pinagtatrabahuan sa southern Israel ay atakihin ng Hamas militants.
Tumanggi umano si Aguirre na iwan ang kanyang inaalagaan na isang 70-anyos na Israeli.
“Tayo’y nakikiisa’t nakikiramay sa kanilang mga kaanak, mga naiwang mahal sa buhay,” ani Cacdac sa panayam ng PTV Bagong Pilipinas.
“In the meantime, lahat ng tulong in terms of financial assistance at funeral and burial expenses, livelihood para sa naiwang pamilya at trabaho para sa mga naiwang pamilya ay naiugnay na natin sa relevant government agencies; at kami mismo ni administrator Arnell Ignacio ng OWWA ay nagsanib-pwersa na rin para magbigay ng karampatang tulong,” sambit pa ni Cacdac.
Apat na Pilipino ang nasawi sa Israel sa gitna ng pakikipagbakbakan nito sa mga militanteng Hamas.
Ayon kay Cacdac, mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nagbigay sa kanila ng direktiba na makipag-ugnayan sa mga pamilya ng mga Pilipinong nasawi sa digmaang Israel-Hamas at gawin ang lahat upang matulungan ang mga ito.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA