ISINUSULONG ni Senator Raffy Tulfo sa transport provider na Angkas na sibakin na sa trabaho ang inirereklamong driver na ninakawan at tinangkang molestiyahin ang kanyang pasahero sa Bgy. Manggahan, Pasig City noong Nobyembre 12.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights ngayong araw (Nobyembre 29), ginisa ni Tulfo ang kinatawan ng Angkas na si Jauro Castro dahil imbes na sibakin ng Angkas sa trabaho ay sinuspinde lamang nito ang rider na si Aurelio Subiera.
Ikinagalit din ni Tulfo na wala pang tulong na naibigay ang Angkas para masampahan na ng kasong criminal ang suspect.
“Bakit suspension lang? Dapat sibakin niyo!” saad ni Tulfo.
Matatandaan na dumulog kamakailan sa “Raffy Tulfo in Action” si alyas “Carla” para isumbong ang tangkang panghahalay at pagnanakaw sa kanya ni Subiera. Kwento niya, natigilan lamang si Aurelio sa masamang pakay nito sa kanya nang may nakakita sa kanila na mag-asawang naglalakad. Kumaripas ng takbo si Aurelio at kasamang hinablot ang cellphone at wallet ni Carla.
Dagdag pa ni Carla, imbes na tulungan siya sa pagsasampa ng pormal na kaso laban kay Suberia, pinipilit pa siya ng ilang opisyal ng barangay at ilang ‘di pa nakikilalang pulis sa PNP Substation 8 sa Pasig na makipag-areglo na lamang sa rider. Tumanggi pa raw ang Angkas na ibigay ang mga mahahalagang impormasyon ni Suberia kay Carla dahilan kung bakit nahirapan makapagsampa ng pormal na kaso ito laban sa suspect.
Kaugnay nito, sinabi ni Sen. Idol kay Castro na dapat ay palitan na ng Angkas ang ilang opisyal nito, lalo na ang mga hindi sumusunod sa patakaran ng kumpanya at hindi sineseryoso ang reklamo ng customer.
Umamin naman si Castro sa mga pagkukulang ng Angkas at humingi ng paumanhin dahil dito.
Upang maiwasan ang mga krimeng tulad nito, inirekomenda rin ni Tulfo sa Angkas na magsagawa ng regular na drug testing sa mga rider nito dahil nag-uugat ang mas madaming krimen sa patuloy na paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA