KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Pilipino ang nahatulan ng kamatayan sa China dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.
Sa pahayag nitong Sabado (Disyembre 2, 2023), sinabi ng DFA na ang dalawang Piipino ay binitay sa pamamagitan ng lethal injection noong Nobyembre 24 dahil sa drug trafficking.
Ang kumpirmasyon ay ginawa ng Philippine Consulate General sa Guangzhou, China.
“We offer our most sincere condolences to their families and loved ones. We respect the wishes of their families for privacy, and as such are withholding the identities of the two Filipinos,” pahayag ng DFA.
Sinabi ng Departamento na hindi nila kaagad inanunsiyo ang masamang balita habang hinihintay ang pormal na notipikasyon ng pagbitay mula sa China.
Ang dalawang binitay na Pinoy ay inaresto noong 2013 matapos na mahuling may dalang 11 kilo ng shabu na itinago sa DVD player.
Ayon sa DFA, pinagbigyan naman ang dalawang convict na makausap muna ang kanilang pamilya bago isinagawa ang pagbitay.
Ang mga kaanak ng mga nabitay na Pinoy ay sinamahan kamakailan ng mga opisyal ng DFA patungong China para sa “compassionate visit” sa mga ito.
Ayon pa sa DFA, ginawa ng pamahalaan ang lahat upang masagip ang dalawang Pilipino sa pamamagitan ng pag-apela sa China na mapababa ang sentensiya ng mga ito sa habambuhay na kulong at nagsagawa na rin ng high-level political representations subalit bigo ang pamahalaan.
Ibinigay din umano ng Kagawaran ang lahat ng kailangang tulong kabilang ang legal assistance funding, sa pamamagitan ng Philippine Consulate General sa Guangzhou at Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs mula sa pagkakaresto ng dalawa hanggang sa mahatulan ng korte sa China.
Samantala, dalawa pang death penalty cases sa China ang pending sa final review.

FALLING GIANT CRUCIFIX KILLS PRIEST DURING LIVESTREAMED MASS IN ECUADOR
PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA