INAMIN ng Islamic State Terrorists na sila ang may pakana ng pambobomba sa Mindanao State University sa Marawi City na ikinasawi ng apat katao at ikinasugat ng 45 iba pa noong Linggo.
Ayon sa ulat ng Reuters, sinabi ng mga terorista sa isang Telegram na miyembro nila ang nagpasabog ng bomba habang kasagsagan ng misa sa gymnasium ng MSU.
Nitong Lunes, Disyembre 4, ay inihayag ng pulisya na mayroon na silang dalawang persons of interest sa bomb attack na naganap sa Dimaporo Gymnasium sa MSU sa Marawi City.
“We have persons of interest. Isa umamin na local tettorist ang may kinalaman. I will not divulge the name. An investigation is ongoing,” ani Bangsamoro Police Regional Office chief Police Brigadier General Allan Nobleza.
Ayon kay Nobleza, naka-full alert ang buong Bangsamoro region matapos ang pangyayari at pinag-ibayo na rin ang checkpoints at police visibility sa rehiyon.
Aniya pa, marami silang tinitignang anggulo sa pagpapasabog at kabilang na rito na pakana ito ng mga terorista.
Idinagdag pa ng opisyal na bumuo sila ng Special Investigation Task Group (SITG) na siyang tututok sa pag-iimbestiga sa kaso.
Ang pambobomba sa MSU ay kapwa kinondena ng Israel at Amerika.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
FALLING GIANT CRUCIFIX KILLS PRIEST DURING LIVESTREAMED MASS IN ECUADOR
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS