NAKALIGTAS ang may 43 pasahero habang nawawala naman ang isang sanggol makaraang lumubog ang kanilang sinasakyang bangkang de motor sa kagaratan ng Zamboanga City Sabado ng gabi.
Ang bangka ay patungong Lanawan Island sa Tabuan Lasa, Basilan nang mangyari ang insidente ganap na alas-6:40 ng gabi noong Sabado.
Nailigtas ang may 43 pasahero maliban sa isang anim na buwang sanggol na nabitawan umano ng ina habang papalubog ang bangka.
Ang mga nakaligtas na pasahero ay dinala na sa Zamboanga City.
Hinala ng mga awtoridad na overloaded ang nasabing bangka kung kaya ito lumubog.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa pangyayari.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS