NADISKUBRENG nakabaon sa likod bahay ng isang kaanak sa Tayabas City, Quezon nitong Huwebes ang mag-inang balikbayan na una nang napaulat na nawawala.
Sa pahayag ng pulisya nitong Biyernes, narekober ang bangkay ng mag-inang Lorry Litada, isang 54-anyos na Pilipina, at Japanese niyang anak na si Mai Motegi, 26, dakong alas-4:30 ng hapon nitong Huwebes, Marso 14, 2024, sa Bella Vita Subdivision sa Bgy. Isabang, Tayabas City.
Ang mag-ina ay kapwa residente ng Japan.
Una rito, natagpuan ang maleta ng mga biktima na palutang-lutang sa ilog sa Tayabas.
Nang suriin, nakita sa loob ng maleta ang mga duguang gamit.
Noong Marso 9, dumulog sa pulisya ang nakatatandang kapatid ni Litada upang iulat ang pagkawala ng mag-ina magmula pa noong Pebrero 21.
Sa isinagawang ocular inspection ng pulisya sa lugar kung saan umano huling nakita ang mga biktima ay napansin ng mga awtoridad ang isang malambot pang hukay.
Agad ipinahukay ng mga awtoridad ang lupa at doon nga nadiskubre ang bangkay ng mag-ina.
Ang hukay ay halos isang metro lamang umano ang layo sa likod bahay ng kaanak ni Litada.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang pumaslang sa mag-ina at kung ano ang motibo sa karumal-dumal na krimen..

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
FALLING GIANT CRUCIFIX KILLS PRIEST DURING LIVESTREAMED MASS IN ECUADOR
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS