NAGLATAG ang China Coast Guard (CCG) ng mga boya o floating barrier sa timog-silangang bahagi ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal dahilan para hindi makapasok ang mga Pilipinong mangingisda sa lugar upang makapangisda, batay sa pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon sa PCG, ang mga boya ay may habang 300 meters, at nadiskubre ng kanilang ma tauhan at personnel ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong Biyernes habang lulan ng Datu Bankaw upang magsagawa ng pagpapatrolya sa Bajo de Masinloc na saklaw ng teritoryo ng Pilipinas.
Sa isang pahayag ng PCG, tatlong Rigid Hull Inflatable Boats (RHIBs) ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia service boat ang naglagay ng floating barrier pagdating ng BFAR vessel sa Scarborough shoal.
Ayon sa mga Pilipinong mangingisda, hindi lamang ito ang unang pangyayari ng paglalagay ng boya ng China dahil lagi umano itong ginagawa sa tuwing may namomonitor ang CCG na mga Pilipinong mangingisda sa lugar.
Mahigit 50 Pinoy fishing boats ang inabutan ng BFAR sa bisinidad ng Bajo de Masinloc na nabigong mapasok ang lugar na may harang upang makapangsida.
Ayon pa sa PCG, binigyan na lamang ng BFAR ang mga naapektuhang mangingisda ng mga grocery items upang may maiuwi sa kanilang pamilya.
Sinabi pa ng PCG na ilang beses niradyuhan ng CCG ang mga nagpapatrulyang tauhan ng BFAR at mga Pilipinong mangingisda upang itaboy dahil nilalabag umano ng mga ito ang international law at domestic laws ng China na sinagot naman ng BFAR na nasa Bajo de Masinloc sila para lamang magpatrulya.
Lumayo lamang umano ang mga barko ng China Coast Guard nang mapansin ang ilang miyembro ng media na lulan ng sasakyang pandagat ng BFAR.
Kinondena ng PCG at BFAR ang paglalagay ng CCG ng boya sa lugar.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA