TINATAYA sa 13 katao ang namatay habang ilang iba pa ang sugatan sa sunog na sumiklab sa magkakatabing nightclub sa Spain noong linggo, Oktubre 1, 2023.
Ayon sa mga awtoridad, agad na naglunsad ng search-and-rescue operations para sa mga biktima ng sunog na naganap sa bayan ng Murcia sa timog Spain.
Sa pahayag sa mga reporter ni Diego Seral, tagapagsalita para sa Spanish National Police, narekober ang mga labi ng mga nasawi sa Fonda nightclub, isa sa tatlong magkakatabing clubs na nilamon ng apoy.
Ayon kay Seral, nahirapan and mga rescuer na hanapin ang iba pang mga biktima dahil sa bumagsak na bubong.
Ilang mga saksi ang nagsabing may nagaganap na birthday celebrations nang sumiklab ang sunog.
“I think we left 30 seconds to one minute before the alarms went off and all the lights went out and the screams saying there was a fire,” anang isang survivor.
Limang miyembro ng isang pamilya at dalawang kaibigan ang patuloy na hinahanap pa.

3 FILIPINOS HURT IN KUWAIT AIRPORT DRONE ATTACK
OFW SENTENCED TO DEATH IN KUWAIT
PH EMBASSY IN QATAR ADVISES FILIPINOS TO STAY INDOORS AS ISRAEL STRIKES HAMAS LEADERS IN DOHA
MARCOS ADMINISTRATION ROLLS OUT SERBISYO CARAVAN IN DUBAI
PINAY CAREGIVER INJURED IN ISRAEL MISSILE ATTACK DIES – DFA
STAY INDOORS, FILIPINOS IN ISRAEL TOLD AMID RISING TENSION
PRESIDENT MARCOS ORDERS DMW TO EXTEND ALL POSSIBLE AID TO FAMILIES OF 2 PINOY SEAFARERS KILLED IN BLACK SEA DRONE ATTACKS
PBBM: UPGRADES AT PORT OF LUCENA GOOD FOR REGIONAL GROWTH
DIESEL, KEROSENE PRICES UP BY OVER P10 STARTING JULY 21, 2026
FUEL SUBSIDY PROGRAM FOR PUV DRIVERS TO CONTINUE – PALACE