TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na may sapat na supply ng bigas ang bansa hanggang sa susunod na taon.
Ito’y dahil sa “bumper” harvest tuwing wet season sa bansa.
Ayon sa pahayag ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa sa panayam ng “Bagong Pilipinas Ngayon,” nagsimulang maging “stable” ang supply ng bigas ng buwan ng Agosto ngayong taon at inaasahang tatagal ito hanggang sa susunod na buwan.
Umaasa aniya silang ang national inventory stocks ay aabot ng 77-araw ngayong buwan at inaasahang tataas pa sa 94 araw ng buwan ng Nobyembre ngayong taon at magpapatuloy haggang sa anihan ng wet season.
Hindi pa aniya kasama sa kanilang bilang ang importasyon ng bigas.
“So, maaasahan po natin na maganda at malaki po iyong national inventory natin ng bigas … Maasahan po natin na talagang sapat at maganda at matatag po ang supply ng bigas natin na maaasahan po natin hanggang sa pagpasok po ng susunod na taon na 2024,” ani De Mesa.
Dahil sa inaasahang istabilisasyon ng supply ng bias, sinabi ni De Mesa na wala silang nakikitang paggalaw sa presyo ng mga bigas sa pamilihan.
“Mataas o bumper iyong ating harvest ngayong wet season. Magmula po noong katapusan ng Agosto, ngayong Setyembre hanggang Oktubre, hanggang sa Nobyembre po ay inaasahan po natin na talagang wala po tayong inaasahan na pagsipa pa ng presyo,” paliwanag niya.
“At kung papasok pa po iyong additional imports natin, nitong huling buwan ng Setyembre, pumalo po ito sa mahigit 271,000 metric tons at historically ay marami pa rin naman iyong pumapasok na imports sa last quarter na bahagi ng taon,” dagdag pa niya.
Sinabi rin ng DA official na patuloy na kumikilos ang pamahalaan para mapababa ang halaga ng

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA