NAGPALABAS ng babala ang Department of Education (DepEd), partikular sa mga guro, hinggil sa tinatawag na “Labas Casa” car loan scam o assume balance/loan accommodation.
Sa kanilang official Facebook page nitong Biyernes, sinabi ng DepEd na nakatuklas sila ng maraming kaso ng scam na karaniwang target ay public school teachers.
Ayon sa DepEd, 29 na kaso ang kanilang naitala sa mapanlinlang na scheme na ito na nagmula sa Pampanga.
Ilang mga guro ang humingi ng tulong sa Presidential Anti-Organized Crime Commission matapos umanong mabiktima ng scam na ito.
Sinasabing inaakit ang biktima na mag-apply ng car loan kapalit ng cash, kabilang ang downpayment para sa unit, at pangakong kikita sa isang transport network vehicle service bilang incentives kapag naaprubahan ang loan.
Gayunman, ang mga miyembro ng sindikato, na lumalabas na may koneksiyon sa mga car dealer at empleyado ng bangko para ma-facilitate ang pre-arranged loan approval, ay iniiwan na lamang sa ere ang kanilang mga biktima sa sandaling ang mortgaged cars ay naiturn-over na sa mga ito, na naglalagay sa mga biktima sa matinding problemang pinansiyal.
Nangako ang DepEd na patuloy na makikipagtulungan sa mga awtoridad para maaresto ang mga taong sangkot sa scam na ito at magsasagawa ng debriefing, counseling, at psychological first aid sa mga nabiktimang guro.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA