IPINA-DEPORT noong Biyernes ng Bureau of Immigration (BI) ang pinakabagong batch ng mga online gaming worker na naaresto sa isang umano’y scam hub sa Pasay City noong Agosto.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco na ang pagpapatapon sa 36 na Chinese nationals ay isinagawa ng ahensya, katuwang ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Ang grupo ay sakay ng Royal Air flight pabalik ng Nanning City, China.
Matatandaang naaresto ang nasabing mga Chinese sa joint operation ng PAOCC, Department of Justice (DOJ), Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP) at ng BI sa SKK building sa Pasay City.
Napag-alaman na ang mga dayuhang ito ay sangkot sa isang hub na nagsasagawa ng crypto scam.
Ang kanilang mga pangalan ay kasama rin sa inilagay sa blacklist ng BI.
“Hindi tayo titigil hangga’t hindi nahuhuli at nade-deport ang lahat ng dayuhang nagsasagawa ng scamming activities dito sa Pilipinas,” ani Tansingco.

COURT ORDERS ARREST OF VP SARA OVER GRAVE THREATS RAPS
PBBM CONDOLES WITH FAMILIES OF 2 FILIPINO SEAFARERS KILLED IN STRAIT OF HORMUZ
2 PINOY SEAMEN KILLED IN STRAIT OF HORMUZ ATTACK
PALACE ANNOUNCES FREE TOLL IN SELECT NLEX AREAS STARTING SEPT. 2
LACSON FILES BILL SEEKING TO GRANT OMBUDSMAN POWER TO ARREST, SEARCH, SEIZE
PBBM TO DEPED: TEACH CLIMATE CHANGE AMONG SCHOOL CHILDREN
FLOOD RESCUE BRINGS RIPPLES OF HOPE MEMBERS BACK TO THANK PRO3 PERSONNEL
PRO3’S 36-HOUR MANHUNT OPERATIONS HAUL TO JAIL ALL CL’S 10 MOST WANTED FELONS