PATAY ang dalawang botante habang limang iba pa ang sugatan makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Datu Odin Sinsuat town, Maguindanao del Norte nitong Lunes, Oktubre 30.
Inaalam pa ang pangalan ng mga biktima.
Ayon kay Datu Odin Sinsuat police chief Lt. Col. Esmael Madin, papasok sa Bugawas Elementary School ang mga biktima para bumoto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) nang pagbabarilin.
Tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat, bago ang pamamaril ay nagkaroon muna ng komosyon sa pagitan ng mga supporter ng magkalabang kandidato sa pagka-barangay chairman.
Tinutugis na ng pulisya ang mga suspect.
Dahil sa pangyayari ay inilipat na lamang ang lugar ng botohan sa kalapit na eskwelahan.

412 PAMPANG MARKET FIRE VICTIMS TO GET CASH AID FROM DSWD
MUNICIPAL ENGINEER NABBED FOR ALLEGED EXTORTION
HVI YIELDS P374,000 SHABU IN PAMPANGA ENTRAPMENT
PRO3 ACCOUNTS FOR OVER 88,000 EXPIRED GUNS, POSTS 97.44% ACCOMPLISHMENT RATE
FAMILY OF 5 KILLED IN PANGASINAN FIRECRACKER FACTORY BLAST
UNDAS 2026 IN CENTRAL LUZON PEACEFUL, NO MAJOR INCIDENTS REPORTED — PRO3