SUMIKLAB ang sunog Huwebes ng hapon sa isang kilalang pagawaan ng bala at baril sa Marikina.
Nagliyab ang storage room ng Arms Corporation of the Philippines (Armscor) dakong alas-3:55 ng hapon.
Ang lugar ay nagsisilbing imbakan ng mga pulbura para sa mga ginagawang bala.
Naging mabilis ang paglagablab ng apoy at dinig ng mga saksi ang sunud-sunod na putok ng mga bala mula sa pagawaan.
Itinaas sa ikalawang alarma ang sunog na idineklaang fire under control ganap na alas-4:45 ng hapon.
Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa pangyayari.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa pinagmulan ng nasabing sunog at ang lawak ng pinsala na naidulot nito.

ONLINE THREAT HITS UP DILIMAN; STUDENTS EVACUATED
QC SCIENCE HIGH SCHOOL WINS FIRST NXTGEN CONGRESS
P755 NEW DAILY MINIMUM WAGE FOR METRO MANILA WORKERS
LAWYER CALLS FOR PROBE INTO ALLEGED ILLEGAL STL OPERATIONS IN QC
FAMILY OF 4 DIE IN QUEZON CITY FIRE
THOUSANDS MOURN ‘NANAY NENE NG TONDO’
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA