BAWAL na ang mga e-bike at e-trike sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Ito ay makaraang aprubahan nitong Martes ng Metro Manila Council ang isang resolusyon na nagbabawal sa electronic vehicles sa major roads sa metropolis.
Nakasaad sa MMDA Resolution No. 24-022, Series of 2024 ang pagbabawal sa e-bikes at e-trikes, gayundin sa mga tricycle, pedicab, kariton at kuliglig sa national roads, circumferential at radial roads sa Metro Manila.
Ang mga nasabing uri ng sasakyan ay bawal dumaan sa mga sumusunod na kalsada: Recto Avenue, Pres. Quirino Avenue, Araneta Avenue, EDSA, Katipunan/CP Garcia, Southeast Metro Manila Expressway, Roxas Boulevard, Taft Avenue, SLEX, Shaw Boulevard, Ortigas Avenue, Magsaysay Blvd./Aurora Blvd., Quezon Ave./Commonwealth Ave.. A. Bonifacio Ave.,Rizal Ave., Del Pan/Marcos Highway/McArthur Highway, Elliptical Road, Mindanao Avenue, at sa Marcos Highway.
Sinumang mapapatunayang lumabag ay pagmumultahin ng P2,500.
Kapag hindi naman makapagprisinta ng driver’s license sa oras na mahuli ay iiimpound ang sasakyan.
Ayon kay MMDA acting chairman Don Artes, ang pagbabawal ay para na rin sa kaligtasan hindi lamang ng mga gumagamit ng e-vehicle kungdi gayundin ang mga motorista.
“Hindi naman namin totally bina-ban ang paggamit ng e-vehicles, gusto lang natin itong i-regulate dahil ito ang kadalasang nagdudulot ng traffic at aksidente sa kalsada, wika ni Artes.
Ang kautusan ay magsisimulang ipatupad sa Abril.

ONLINE THREAT HITS UP DILIMAN; STUDENTS EVACUATED
QC SCIENCE HIGH SCHOOL WINS FIRST NXTGEN CONGRESS
P755 NEW DAILY MINIMUM WAGE FOR METRO MANILA WORKERS
LAWYER CALLS FOR PROBE INTO ALLEGED ILLEGAL STL OPERATIONS IN QC
FAMILY OF 4 DIE IN QUEZON CITY FIRE
THOUSANDS MOURN ‘NANAY NENE NG TONDO’
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA