NAGPALABAS ng vog alert ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Taal Volcano nitong Martes makaraang mabalot ng makapal na smog ang bulkan.
Ayon sa Phivolcs, ang volcanic smog o vog ay naobserbahan sa bahagi ng Taal Caldera ng alas-2 ng hapon nitong Martes.
Noong Lunes ay nagbuga ito ng 6,837 tonelada ng sulfur dioxide.
Batay sa datos mula sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction Management Office apektado ng vog ang mga lugar ng Agoncillo, Laurel, Balete, Sta. Teresita, Calaca, Mabini, Mataas na Kahoy, Lemery, San Nicolas at Talisay.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol ang publiko na mag-ingat laban sa vog at iwasan muna ang maglalabas ng bahay.
” Magsuot ng masks, uminom ng maraming tubig at iwasan muna ang maglalabas ng bahay,” payo nito.
Ang vog ay isang uri ng polusyon sa hangin na sanhi ng bulkan. Binubo ito ng mga pinong patak na naglalaman ng volcanic gas tulad ng sulfur dioxide at maaring magdulot ng iritasyon sa mata, lalamunan at respiratory tract.
Kabilang sa mga sensitibo sa masamang epekto ng vog ang mga taong may kondisyon sa kalusugan tulad ng hika, sakit sa baga at sakit sa puso.
Ang Taal Volcano ay nananatiling nasa Alert Level 1.

FLOOD RESCUE BRINGS RIPPLES OF HOPE MEMBERS BACK TO THANK PRO3 PERSONNEL
PRO3’S 36-HOUR MANHUNT OPERATIONS HAUL TO JAIL ALL CL’S 10 MOST WANTED FELONS
PRO3 MEETS AUGUST MANHUNT TARGET WITH 1,215 ARRESTS
MAN KILLS 3-YEAR-OLD SON IN ILOCOS SUR
PRO3 MANHUNT OPERATIONS NET 1,082 WANTED PERSONS IN CENTRAL LUZON
PRO3 ENDS 2-DECADE MANHUNT, ARRESTS MOST WANTED FELON
COURT ORDERS ARREST OF VP SARA OVER GRAVE THREATS RAPS
PBBM CONDOLES WITH FAMILIES OF 2 FILIPINO SEAFARERS KILLED IN STRAIT OF HORMUZ