NI LEX MANALO
PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Panglungsod ng Maynila ang panukalang bigyan ng allowance ang mga menor de edad na may kapansanan na residente ng lungsod.
Ayon kay Vice Mayor at City Council Presiding Officer John Marvin “Yul Servo” Nieto, lumusot na sa mayorya ng Konseho ang Ordinance 8534 na inihain ni 3rd district councilor Pamela “Fa” Fugoso.
Nakapaloob sa panukala ang pagbibigay ng P500 na buwanang allowance para sa mga PWDs na may edad 18 pababa mula sa pamahalaang lungsod.
Sa ipinasang panukala, inaayendahan ang Ordinances 8565 at 8756.
Minamandato sa ilalim ng dalawang lokal na batas ang pagkakaloob ng P500 buwanang allowance sa mga senior citizen, PWDs at solo parents na bonafide residents ng Maynila.
Ayon sa majority leader ng City Council na si District 3 councilor Ernesto Isip Jr., ang PWD na makatatanggap ng allowance ay dapat na rehistradong botante ng lungsod ng Maynila.
Kung hindi man aniya rehistradong botante ang PWD o ito ay isang minor, kinakailangan aniyang ang kanyang mga magulang o guardian ang rehistradong botante ng Maynila.

ONLINE THREAT HITS UP DILIMAN; STUDENTS EVACUATED
QC SCIENCE HIGH SCHOOL WINS FIRST NXTGEN CONGRESS
P755 NEW DAILY MINIMUM WAGE FOR METRO MANILA WORKERS
LAWYER CALLS FOR PROBE INTO ALLEGED ILLEGAL STL OPERATIONS IN QC
FAMILY OF 4 DIE IN QUEZON CITY FIRE
THOUSANDS MOURN ‘NANAY NENE NG TONDO’
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA