APAT na tauhan ng Office for Transportation Security (OTS) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang ngayon ay iniimbestigahan sa nawawalang $300 ng isang pasaherong Tsino.
Sa isang panayam sa radyo kay OTS administrator Ma.O Aplasca, sinabi niyang hindi lamang isa o dalawa kungdi apat ang kanilang iniimbestigahan kaugnay ng pangyayari noong September 18.
Ayon kay Aplasca, tinitignan nila ang anggulong sabwatan sa pagitan ng apat.
‘Di ba ni-report namin nung araw eh parang tatlo lang, pero we realized na parang meron pa silang kasabwat dito sa kanilang ginawa. Lahat po ng members ng checkpoint, 14 po sila katao. Pero, as of today, apat pa lang ‘yung nakita naming may involvement sa insidente,” ani Aplasca.
Una nang inireklamo ng isang pasaherog Tsino na nawawala ang $300 mula sa kanyang bag.
Sa CCTV video na nag-circulate sa social media, makikita ang isang kawani ng OTS na umano’y may isinubo kasunod ang pag-inom ng tubig.
Hinihinalang ang isinubo ay ang nawawalang $300 upang maitago ang diumano’y tangkang pagnanakaw.

ONLINE THREAT HITS UP DILIMAN; STUDENTS EVACUATED
QC SCIENCE HIGH SCHOOL WINS FIRST NXTGEN CONGRESS
P755 NEW DAILY MINIMUM WAGE FOR METRO MANILA WORKERS
LAWYER CALLS FOR PROBE INTO ALLEGED ILLEGAL STL OPERATIONS IN QC
FAMILY OF 4 DIE IN QUEZON CITY FIRE
THOUSANDS MOURN ‘NANAY NENE NG TONDO’
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA