GAS PRICE HIKE
BY BIBOY DE LEON
INAASAHAN na namang tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa ika-11 magkasunod na linggo sa Martes, kung saan tinatantya ng mga lokal na kumpanya ng langis na tataas ang presyo ng mahigit P2 kada litro.
Sinabi ng mga source ng industriya noong Sabado na batay sa limang araw na kalakalan sa world market, inaasahang tataas ang presyo ng diesel ng P2.30 hanggang P2.50 kada litro.
Maaaring tumaas naman mula P1.80 hanggang P2 kada litro ang presyo ng gasolina.
Halos dalawang buwan nang tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo na resulta umano ng pagbawas sa produksyon ng langis na ipinatupad ng Saudi Arabia, ang pinakamalaking exporter ng langis sa mundo.

PRESIDENT MARCOS ORDERS DMW TO EXTEND ALL POSSIBLE AID TO FAMILIES OF 2 PINOY SEAFARERS KILLED IN BLACK SEA DRONE ATTACKS
PBBM: UPGRADES AT PORT OF LUCENA GOOD FOR REGIONAL GROWTH
DIESEL, KEROSENE PRICES UP BY OVER P10 STARTING JULY 21, 2026
FUEL SUBSIDY PROGRAM FOR PUV DRIVERS TO CONTINUE – PALACE
PROSECUTORS CLAIM WIN AFTER IMPEACHMENT COURT GRANTS BID TO SUBPOENA VP SARA’S BANK, TAX RECORDS
CHIZ PUSHES REVIEW OF JUVENILE JUSTICE SYSTEM FOR SAFER SCHOOLS