NI LEX MANALO
TIMBOG ang isang Chinese national at kasama nitong Pinay na umano’y nagpapatakbo ng isang prostitution ring sa Parañaque City.
Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez ang naaresto na sina Chinese national Xiao Ji, at 48-anyos na Pinay na si Arlene Lapurga Geron.
Ang dalawa ay dinakip ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) sa bisa ng isang search warrant sa SoleMare Parksuites sa Barangay Tambo, Parañaque City nitong Sabado.
Pitong Chinese nationals at isang Pilipina ang na-rescue sa isinagawang operasyon, ayon pa kay Nartatez.
Ang mga ito ay biktima umano ng human trafficking at sexual exploitation.
Sinabi pa ni Nartatez na ang mga biktima ay nirecruit at dinadala sa high-end hotels, casinos at clubs sa Parañaque.
Isa pang suspect na isa ring Chinese national na kinilalang si Lin Wei ang nakatakas at pinaghahanap na ngayon ng pulisya.
Nakumpiska sa operasyon ang ilang kalibre ng baril, mga laptop at pera.
Ang mga naarestong suspect ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 na inamyendahan sa ilalim ng RA 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act at RA 10591 o higit na kilala bilang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

ONLINE THREAT HITS UP DILIMAN; STUDENTS EVACUATED
QC SCIENCE HIGH SCHOOL WINS FIRST NXTGEN CONGRESS
P755 NEW DAILY MINIMUM WAGE FOR METRO MANILA WORKERS
LAWYER CALLS FOR PROBE INTO ALLEGED ILLEGAL STL OPERATIONS IN QC
FAMILY OF 4 DIE IN QUEZON CITY FIRE
THOUSANDS MOURN ‘NANAY NENE NG TONDO’
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA