riding in tandem
NI KEVIN GALANG
SUGATAN ang principal ng isang eskwelahan matapos siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa tapat ng isang eskwelahan sa Bgy. Sto. Tomas North, Jaen, Nueva Ecija.
Sa ulat na isinumite kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. ng Jaen police, kinilala ang biktima na si Reden Marquez, 49, ng Bgy. Niyugan sa bayan ng Jaen.
Si Marquez ang principal ng Sto. Tomas North Elementary School sa Bgy. Sto. Tomas North sa Jaen.
Ang biktima ay pababa sa isang sports utility vehicle sa harapan ng nasabing paaralan nang lapitan ng mga suspect at pinagbabaril.
Ang mga suspect na nakasuot ng helmet at jacket ay tumakas patungo sa direksiyon ng Sto. Tomas South.
Isinugod ng mga nakasaksi sa pangyayari ang biktima sa Nueva Ecija Medical Center kung saan ito nilapatan ng lunas.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspect at kung ano ang motibo sa nasabing pag-atake.

OVER P18‑M KETAMINE FROM NETHERLANDS INTERCEPTED BY PDEA IN PAMPANGA
DRUG PEDDLER FROM QC BUSTED IN BATAAN
SUBIC RESTO FALLS PREY TO THIEVES
NUEVA ECIJA’S TOP FUGITIVE, DRUG SUSPECTS HAULED TO JAIL
DRIVER-CUM-DRUG PEDDLER, COHORT BUSTED
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
NAIA BRACES FOR UP TO 1.25-M ‘UNDAS’ PASSENGERS
EMPLOYEES CANNOT BE FORCED TO RETIRE BEFORE 65 – SC
DTI ASSURES NO PRICE INCREASE IN BASIC COMMODITIES THIS CHRISTMAS – PALACE