INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang “Socorro cult” sa Surigao del Norte kaugnay ng ulat na umano’y pagkolekta nito ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at iba pang ayudang tinatanggap ng kanilang mga miyembro.
Ito ang inihayag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa pagdinig ng Senate Finance Subcommittee nitong Miyerkules kaugnay ng panukalang P207.37-billion budget ng Departamento para sa susunod na taon.
Sa nasabing pagdinig ay tinanong ni Senadora Risa Hontiveros si Gatchalian kung tinututukan ng ahensiya ang benepisaryo ng 4Ps sa Socorro, Surigao del Norte kung saan sinasabing ang ayuda mula sa gobyerno ay kinukuha umano ng kulto.
Bukod sa 4Ps, kinokolekta din umano ng mga opisyal ng kulto ang senior citizen pension at Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng kanilang mga miyembro.
Kung may katotohan umano ang alegasyong ito, sinabi ni Hontiveros na parang pinopondohan ng gobyerno ang isang kulto.
“We took inventory immediately of how many 4Ps households we have there. But obviously, these are initial numbers (because) it could not be in just one sitio but in more sitios. In Sitio Kapihan, for example, we have 74 households who are 4Ps beneficiaries. In Barangay Siring, we have 503 households,” paliwanag ni Gatchalian.
Ayon sa DSWD secretary, inatasan na niya ang regional director ng ahensiya upang alamin ang pamamahagi ng mga ayuda at magbibigay sila sa Senado ng update ng kanilang imbestigasyon.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA