NI LEX MANALO
NAHARANG ng mga operatiba ng Bureau of Immigration ang isang biktima ng illegal recruiter habang paalis sana gamit ang Clark International Airport (CIA) Terminal 2 sa Pampanga
Kinilala ang biktima na si Ana, 37.
Tinangka ni Ana na umalis patungong Hong Kong noong September 18 lulan ng Eva Air flight.
Sa paunang inspeksiyon, napansin ng immigration officer ang paiba-ibang sagot ni Ana kung kaya ni-refer ito para sa pangalawang interbyu.
Ayon sa biktima, bibiyahe siya patungong Hong Kong para sa apat na araw na bakasyon. Gayunman, bigo siyang magbigay ng mga dagdag na detalye ng kanyang biyahe.
Nadiskubre pa na may hawak itong valid na Qatar work e-visa.
Inamin ni Ana na binigyan siya ng instruksiyon ng kanyang recruiter na umalis ng bansa bilang tourist at maghintay ng kanyang work visa na ibibigay sa kanya sa Hong Kong.
Pinangakuan umano siya ng trabaho bilang promotion specialist kahit wala pa siyang tinatanggap na kontrata.
Sinabihan din umano siya ng kanyang recruiter na i-delete ang lahat ng dokumentong ipinadala sa kanya.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ipinadala na nila ang kaso ni Ana sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa recruiter ng biktima.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS