NI KEVIN GALANG
ISANG pulis na inakusahan ng pangongotong ang inaresto sa isang entrapment operation nitong Biyernes sa Mabalacat City, Pampanga.
Batay sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., kinlala and dinakip na parak na si Chief Master Sergeant Randy Maurillo Dinio, nakatalaga sa Mabalacat City Police Station. Ayon sa biktimang si Mia May Senio, 30, ng L28, Blk. 7, Anastacia St., Samson Ville, Bgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga, nahuli ang kanyang mister noong September 7 dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga. Ani Senio, ang kanyang mister ay nakakulong sa custodial facility ng Mabalacat City Police Station. Kuwento ng biktima, ang suspect ang siyang nakatalaga bilang jail guard nang bisitahin niya ang kanyang asawa sa police station. Sinabihan umano siya ni Dinio na ang drug case laban sa kanyang mister na nakasampa sa Angeles Regional Trial Court ay maaaring mabasura kapalit ng P70,000. Ayon sa biktima, noong September 9 ay nagbigay siya sa suspect ng P51,000 bilang paunang bayad habang ang huli ay iaabot umano niya sa September 22. Sa itinakdang petsa, agad na naglunsad ng entrapment ang pinagsanib na pwersa ng Pampanga Provincial Intelligence Unit at Mabalacat police sa pamumuno ni Lt. Col. Efren David na nagresulta sa pagkakaaresto ng inakusahang pulis. Nakumpiska kay Dinio ang markadong P15,000 cash, serbisyong baril na .9mm pistol na may magazine, dalawang cellphone, pitong ibat-ibang ID, mga ATM, isang wallet, power bank at sling bag. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa nadakip na pulis.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS