NI KEVIN GALANG
TATLO katao, kabilang ang isang babae, na umano’y sangkot sa malakihang bentahan ng shabu sa Metro Manila at kalapit na mga probinsiya ang naaresto sa isang buy-bust operation sa Taguig nitong Huwebes.
Arestado sina Alejandro Miguel Flores, 23, ng F. Manalo St., Bgy. Calzada, Taguig City; Jayson Legaspi, 35, ng Block 6, Cainta, Rizal; at Maricar Gunayan, 39, ng 798 Palangca St., Mandaluyong City.
Nakumpiska mula sa tatlo ang dalawang plastic ng yello na naglalaman ng may 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.36 milyon, isang cellular phone at marked money.
Isinagawa ng magkakasanib na pwersa ng PDEA Central Luzon, PDEA NCR at PNP SPD DDEU and entrapment operation matapos makumpirma ang ilegal na gawain ng mga suspect.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa tatlo.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS